Wednesday, January 16, 2008

USAP MUNA



USAP MUNA

Alam mo Pare "Madalas hindi binabalik ang takip at agwasan pa minsan kapag gumamit ng tootpste at shampoo. Yung ginamit na sachet iiwanan na lang, yung undies niya nakabalunbun sa may habonera na puno pa ng bula kapag susunod akong maligo sa kaniya. Pati kape, asukal lahat basta me takip hindi binabalik.

Naku Mare, kapag uminom ng tea iiwanan na lang kung saan yung teabag eh narra pa ma din yung mesa. Parang pugon ang usok pag nag-yosi. Napakalakas maghilik, lahat ng gamit nakakalat kaya laging hinahahanap.

Ito ang lihim na dahilan ng paghihiwalay o hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa. Oo, sa mga kaso ng paghihwalay kadalang pangkabuuan na ang nagiging dahilan- Unreconcilable differences, mental incapacity , battered o kaya verval at physical abuse ang bawat isa o mga terminong malalim ang pananalita upang magandang balitaktakan ng legal terms sa harap ng korte.

Pero noong umpisa halos hindi sila kayang paghiwalayin sa bawat oras.. Magkahawak ang bawat kamay sa harap ng madlang tao. Mga maiinit na pagmamahalan na bawat sandali ay ligaya ang dulot sa isat –isa.

Pare, ilan taon na ba kayo kasal? Walo na…..ata…..oo walo nga. Tsk tsk syang naman Mare, lima na pala ang anak ninyo, kawawa naman ang mga bata.

Mag-usap kaya kayong dalawa, Nakukuha naman sa pag-uusap ang lahat.





Tuesday, January 15, 2008

SAKAY NA ! ! !




I owe I owe, So off to work I go. Halos siguro ng pampublikong behikulo nasakyan ko na. Bawat isa nito may ibat ibang kwento sa bawat araw-araw.
Tulad noong bagong sakay pa lamang ako sa LRT, token pa ang gamit noon. Kapag medyo rush hour na at napupuno ng mga commuters ang LRT. Ang gagawin ng mga guard haharangan muna nila lubid ang pasukan upang i-organize ang bilang ng tao doon mismo sa loob ng antayan ng LRT.

Kapag ibinaba na ang lubid animo ay mga kabayo kami sa Sta Ana at San Lazaro na " THERE THEY GO" unahan sa paghulog ng token. Dahil bago nga ako isinusuksuk ko doon sa butas ay ang baryang limang piso. SUS!! BOBO !! INGNORANTE !!TANGA !! ang mariirnig mo sa likuran ko.

Hindi pa natatapos ang asksyon sa LRT, dahil nga sa siksikan kapag bumaba ka gusot –gusot na damit mo pati mukha mo magugusot na rin, at kung mamalasin pa, yung kaharap mo na mayroong toothpick sa loob ng LRT, pag baba mo malilipat sa bibig mo yung toothpick niya. HEHHEHEHEHE EWE YUCKKY ! ! !.

Sa jeep at bus, ganoon din ang kwento. Masaya, nagmamdali, may malmig at mainit. Minsan grabe ang siksiskn minsan naman pwede kang mahiga sa sobrang luwag. Mayron pang bonus minsan na Holdap, snatching, at pandurukot.
Tricycle, pedicab, padyak at trolley ng tren. Nasakyan ko na yan, yun din at iyon pa. Target ko ngayon sakyan SPACE SHUTTLE COLUMBIA para maiba naman

SAKYAN MO AKO BABE ! ! !

SAKYAN MO KO BABE! ! !

I owe I owe, So off to work I go. Halos siguro ng pampublikong behikulo nasakyan ko na. Bawat isa nito may ibat ibang kwento sa bawat araw-araw.

Tulad noong bagong sakay pa lamang ako sa LRT, token pa ang gamit noon. Kapag medyo rush hour na at napupuno ng mga commuters ang LRT. Ang gagawin ng mga guard haharangan muna nila lubid ang pasukan upang i-organize ang bilang ng tao doon mismo sa loob ng antayan ng LRT.

Kapag ibinaba na ang lubid animo ay mga kabayo kami sa Sta Ana at San Lazaro na " THERE THEY GO" unahan sa paghulog ng token. Dahil bago nga ako isinusuksuk ko doon sa butas ay ang baryang limang piso. SUS!! BOBO !! INGNORANTE !!TANGA !! ang mariirnig mo sa likuran ko.

Hindi pa natatapos ang asksyon sa LRT, dahil nga sa siksikan kapag bumaba ka gusot –gusot na damit mo pati mukha mo magugusot na rin, at kung mamalasin pa, yung kaharap mo na mayroong toothpick sa loob ng LRT, pag baba mo malilipat sa bibig mo yung toothpick niya. HEHHEHEHEHE EWE YUCKKY ! ! !.

Sa jeep at bus, ganoon din ang kwento. Masaya, nagmamdali, may malmig at mainit. Minsan grabe ang siksiskn minsan naman pwede kang mahiga sa sobrang luwag. Mayron pang bonus minsan na Holdap, snatching, at pandurukot.

Tricycle, pedicab, padyak at trolley ng tren. Nasakyan ko na yan, yun din at iyon pa. Target ko ngayon sakyan SPACE SHUTTLE COLUMBIA para maiba naman.

Monday, January 07, 2008

KABAYANIHAN

KABAYANIHAN

Kabayanihan ba magbigay ng dugo sa nangangailangan? Hindi ko pa nararansan na mag-donate ng dugo. I was about to.. noong operasyon ng hipag ko pero hindi natuloy sapagkat di na kinailangan pa. Noong manganak ang misis ko akala ko kakailnganin nya ang Blood Transfusion pero naging sapat na rin iyon.
Mayroon kaming kalugar na na dengue at nasa stage 4 na. She was admitted sa Asian Hospital. Marami sa mga kapitbahay ang nag-donate ng dugo so I decided saka na lang ako. I will make myself available pag talagang kinalangan pa.
I have one neighbor,si JONGJONG mga early twenties pa lang consistent ito. Lagi itong nagdo-donate ng dugo sa mga kakilala. Pero mas humamga ako sa kaniya ng nabalitaan ko na nag-donate din pala siya sa isang hindi niya kakilala noong naroon sila sa Asian Hospital upang tumulong sa kabitbahay naming na dengue.
While he was waiting daw sa labas ng ICU, Another victim of dengue ay nagangailangang din ng donor ng dugo. This JONGJONG na kapit-bahay namin walang abog abog na nagdonate din ng dugo sa totally stranger individual.
Simple lang ang pagkakilala ko kay JONGJONG, pangkaraniwang kabataan. Hindi magulo hindi naman tahimik. Siya yaong tipong hindi mo makikilala ang personalidad sa madalian..kailngan rurukin mo ang kaniyang pagkatao. Me dugo pala ni DAGOHOY ITO ! ! ! BAYANI. MABUHAY KA JONGJONG.

Tuesday, January 01, 2008

SASAMA KA BA SA RALLY?


SASAMA KA BA SA RALLY?

Kung buhay si NINOY AQUINO ngayon marahil tuloy pa rin ang pakikibaka niya. Isa ako sa mga kumikilala sa pinaglaban ni NINOY. Minsan nga naiisip ko hindi kaya sariling kagagawan niya na siya ay mapatay upang magsilbing POSPORO upang ang mga tao ay magpuyos sa alab ng apoy upang kumilos sa pagbabago noong kapanhunan ni MARCOS.
Ilan taon na ang nakalipas, ang palit-palit na pamhalaan. Ang mga adhikain ni NINOY sakdal sa putik pa rin, kahit na noon nanungkulan ang kaniyang maybahay na si CORY……… nakapalibot pa rin ang mga buwitre at mga buwaya sa pamahalaan.
Hindi yata talaga ang pamahalaan ang suliranin. Ang suliranin ay ang bawat isa sa atin. Masyado tayong umaasa sa pamahalaan, Kapag walang makitang trabaho ipupukol mo ang sisi sa gobyerno. Kapag kumalam ang iyong sikmura, mumurahin mo agad ang pamahalaan. Naitanong mo na ba sa sarili mo sa 24 oras ng isang araw ano ba ang nagawa mo? Maaga pa naman matutulog na lang muna ba ako kasi sarado naman ata yung aaplayan ko at teka lugi din sa pamasahe kapag natanggap ako. Sasama ba ako sa rally laban sa gobyerno? Pagkatapos ng rally ano na?
Ako kung hindi lang ako matiisin sa trabaho marahil isa rin ako sa mga tambay sa aming lugar. Ang kakarampot na aking kinkita ay hindi sapat upang mabigyan ko ng tama na pamumuhay ang aking pamilya. Inisisip ko na lamang mas hindi ako kikita kung ako ay magmumukmok sa loob ng bahay at aking pagtitiisan na lamang ang ganitong buhay.
Iniisip ko kahit ilang NINOY pa ang dumating at lumaban at mamatay laban sa kahayupan ng mga namumuno walang patutunguhan ang mga ito.
Ako ay may lagiang pampalubag-loob sa mga katotohanan ng kahirapan at korupsyon ng pamahalaan, Ang katagang " pasasaambat makakaraos di kami" uunlad din ang Plipinas.

Thursday, December 27, 2007

COINCIDENCE?

COINCIDENCE? OR WHAT?

I would like to share this revelation na ngayon ko lang napagtuunan. Ngayon ako nainiwala na may mga pangyayari o mga pagkatao na talagang halos magkatulad sa nagdaan at sa hinaharap.
Every details of this revelations is quite convincing para paniwalaan ko na ako at si Elvis Presley ay iisa.

Judge for yourself:

ELVIS PRESLEY WAS BORN ON JANUARY 8, 1935 and RAMIL PEREA PAREHO WAS ALSO BORN ON THE MONTH OF JANUARY 11, 1966.

ELVIS Originally from MISSISIPPI and RAMIL PEREA FROM THE TOWN OF MANDALUYONG. MISSISIIPPI IS KNOWN AS MISSISIPPI RIVER AND MANDALUYONG MEANS WAVE OF THE RIVER.

ELVIS HAD A TWIN BROTHER NAMED JESSIE and RAMIL HAVE AN ELDER BROTHER NAMED NOEL (ELVIS & JESSIE SAME BIRTHDATE and so does RAMIL AND NOEL THE SAME BIRTHDATE TOO) JESSIE REFERS TO JESUS AND NOEL ALSO REFERS TO JESUS.

ELVIS USED TO BE A TRUCK DRIVER and RAMIL"S FATHER USED TO BE A PEPSI COLA TRUCK DRIVER.

ELVIS LOVES TO COLLECT VARIOUS POLICE BADGES and RAMIL ALSO LOVES TO COLLECT BADGES (unfortunately RAMIL HAS ONLY ONE ORIGINAL BADGE ALL THE REST FROM FREE PROMOTIONS WHEN YOU BUY KELLOGS CEREAL).

ELVIS LOVES PEANUT BUTTER SANDWICHES at ganoon din si RAMIL PATAY NA PATAY SIYA SA PEANUT BUTTER.

ELVIS PRESLEY LOVES TO WEAR WHITE SCARF and RAMIL ALSO LOVES TO PUT THE WHITE GOODMORNING TOWEL AROUND HIS NECK

AT DITO KAYO MEDYO MAGIGIMBAL:

SI ELVIS AY MAY ISANG ANAK NA BABAE, SI LIZA MARRIE ,si RAMIL MAY ISANG ANAK DIN NA BABAE SI MARY ANGELINE AT HALOS MAGKAHAWIG SILA.

DITO KAYO MALALAGLAG SA INYONG UPUAN AT TITINDIG ANG BALAHIBO IN A MACABRE COINCIDENCE AND WILL POSITIVELY CONVINCE YOU

ELVIS AND RAMIL’S TALENT AND GOOD LOOKS, SENSUALITY, CHARISMA, AND SENSE OF HUMOR AY HALOS DI NAGKAKALAYO, ISANG ISA SILA. YOU WON’Y KNOW WHICH IS WHICH.

Wednesday, December 26, 2007

ECHAGUE

ECHAGUE

Naalala ko naka assign ako sa Quiapo, sa may Echague. May mga pagkakataon na nasasaksihan ko ang mga aksyon ng buhay. Ang mala pusat at dagang habulan ng alagad ng batas at mga elemento ng kasamaan.
Panahon pa na nalilibutan ng mga aquatters ang bawat estero ng Quiapo. Ang kabilaan ng Pumping Station sa Echague ay halos wala kang madaanan sa dami ng mga barung-barong. Ito ang sanhi marahil kaya naging notorious ang lugar na ito.
Lantaran ang bentahan ng drugs noon sa lugar na nabangit. Marahil bawat naninirahan ay retailer ng pagbebenta ng drugs. Ang paminsan-minsan hulidap ng iilang tiwaling kapulisan ay sanhi din upang lalong maging talamak ang negosyong pagtutulak.
Saksi ako ng hindi na lubayan ng alagad ng batas ang lugar na ito. May namatay na pulis sa isang buy-bust operation. Lahat ng unit ng kapulisan ay naroroon, ang marines naka-back-up din. Habang sinisuyod ang lugar, animoy mga dagang nagtaguan, nagtakbuhan ang mga nainirahan doon. Kitang kita ko ang mga shabung nagsabitan sa mga flooring ng kabahayan upang ito ay kanilang ikubli. Habang sinusuyod ang lugar sabay ang agarang demolition ng bawat barung barong na nakatirik sa estero.
Makalipas ng ilang buwan, medyo gumaganda sa panlabas na kaanyuan ang lugar. Pero naroroon pa rin ang aksyon , tuloy pa rin ang takbo ng ganoong pamumuhay, mga lumulutang na bangkay sa ilog. Ang talamak na pagbebenta ng drugs tuloy pa rin.
Minsan talaga ang kapaligiran parang sine, may drama at may aksyon.

Tuesday, December 25, 2007

SUKATAN NG KALIGAYAHAN

SUKATAN NG KALIGAYAHAN

Ano nga ba ang sukatan ng kasiyahan? Iisa lamng ang maaring pangkalahatang sagot sa tanong na iyan.

Hindi ko na marahil kakailanganin pa mag-aral ng aanumang pag-aaral na ukol sa pag-uugali ng bawat indibidual. Mulat sapul napakarami ko nang nakasalamuha na ibat-ibang tao. Mula sa aming tahanan, pito na kaming magkakapatid, ang aking ama at kinalakihang ina-inahan. Ang aking ina, mga kapitbahay namin. Mga kamag-anak at iba pa.

Hanggang sa pag-aaral ko mula elemntarya ibat-ibang ugali mula sa mga guro hanggang sa aking mga ka-eskwela . Idagdag pa mula ng ako ay maghanapbuhay sa napakarami ko ng napasukan as agency at kahit ngayon.

Naging pamilyar ako sa mga kilos at gawi nila. May mga kilos ang bago mong kakilala na maihahantulad mo sa mga dati mong nakasalamuha.

Ano nga ba ang puntos ko sa tanong na SUKATAN NG KASIYAHAN. Ang sagot ko WALA. Walang sukatan ang kasiyahan ng isang tao. Maari ang tao mayaman pero hindi kailan man na iyon na ang kaniyang kasiyahan.Ang dunong, katanyagan at ganoon din ang relihiyon, hidi rin sapat na maging sukatan kung ikaw ay madasalin o anu pa man may kaugnayan sa pananalig.
Pero kahit wala kang kasiyahan basta mayroon kang kasapatan sa buhay iyon ang tama. Ang sukatan ng kasiyahan ang nagiging sanhi ng ang tao ay hindi makuntento sa buhay. Ikukumpara niya ang kaniyang buhay sa iba.

Ang lagi mong isasa-isip ang buhay mo ngayon ay higit na masaya kaysa sa dati.

mandaluyong

ANG DALUYONG KO SA MANDALUYONG

Mabuti nagkaroon kami ng reunion sa high school. Nakatapak ulit ako sa Mandaluyong. Dito ako lumaki..dito ako nag-aral, lahat lahat-lahat sa Mandaluyong nagsmula.

Ewan ko ba, minsan kapag nadadaan ako sa may Producers Market sakay ng MRT wala akong maramdamang pananabik o masayang ala-ala. Tanaw ko ang sa amin, kanto kami ng Libertad at Calbayog pero may mga bagay na ayaw mong manumbalik kahit na halos dito lahat nagsimula ang naging buhay ko.

Dito hinubog ako ng mga pangyayari na may kinalaman sa mga pag-uugali ko ngayon. Marahil kaya ganun na lamang ang aking pakiramdam ay sapagkat ang kahirapan ang nangibabaw na naranasan ko.

Naranasan ko ang mag-aral na nakikipag-sapalaran sa kakulangan ng dahil sa kahirapan. Naalala ko hindi nga kami nakakuha ng NCEE sa kadahilanang kapos na kapos kami noon hindi namin nabayaran ang kaukulang registration fees at dahilan na lang namin na vocational na lang ang aming kukunin pakatapos ng high school.

Dito ko nalaman ang ibig sabihin ng kalungkutan, paghihikahos at mga agam-agam sa buhay. Ang mga karansaan sa mga taong nakapaligid sa akin , ang mga paulit-ulit na may kinalaman sa pagkabuhayangh kahirapan. Mga sandaling nakatatak sa puso mo pero hindi mo maalala o talagang ayaw ko lang alalahanin.

Ewan ko, marahil ganun talaga ang tao o ako. Ngayon sa Manila na ako nakatira, hindi man ako mayaman medyo nakakaraos naman at pamimsan-minsan na lang ang paghihikahos.

Marahil magbabago din ang aking pananaw sa Mandaluyong. Hindi pa naman tapos ang mundo eh.